darkhived tabs

Monday, March 29, 2010

Civility Cloak?

Ito ang suot ng mga ethics police at prim-and-proper citizens at jejemonic empire at moral administration parrots na nagsasabing "How rude naman, the activists!" dahil sa pambabato ng paintball, pangwawasak ng gate ng CHEd at pangaarson ng sirang chairs ng pamantasan nilang magtataas ng 2000% sa matrikula. Civility cloak ang saplot na pinantatakip ng mga nagaastang moralista sa krisis sa edukasyon.

Kung uugatin mo ang background ng prim and proper pips (PPP) na ito, kundi anak ng administrador, rich kids--or umaasang magiging rich kids balang araw sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa sistemang panlipunang pwedeng mambastos ang gagong naghaharing uri, pero bastos ang simbolikong pagsaboy ng pintura ng mga nakikibakang tinangka na ang lahat ng mapayapang protesta. Pagsasaboy ng pintura na hindi naman nakapaslang o nakabawi ng buhay, pero nakabasag sa angas ng isang administrador na minsan nang tumawag sa isang student leader at sinabihan itong: "Nakakalalake ka na a."

Kundi rich kids ang mga PPP, maari namang estudyante lamang na hindi pa gaanong nagsusuri, pero nagpadala sa inisyal na reaksyon, dala ng bugso ng damdamin dahil sa panloloko ng mainstream mediang mangmang magbalita. Oo, mga kaibigan, marami ring ganito. Ang mungkahi ko lang, maging diplomatiko tayo sa kanila, at matukoy natin kung sino sila. Natatakot rin kasi silang magsalita, pero highly encouraged naman sa kanilang magresearch o magtanong sa mga nakakaalam--yung nakakaalam na hindi nagaastang nakakaalam ha, at puro akademikong marka ang batayan ng katalinuhan. Yung nakakaalam na involved sa kilusang estudyante, at hindi yung walang kareklareklamo sa admin, pero nagrereklamo sa decorum ng mga nagrereklamo sa admin. Digs? Ang banatan lang natin, yung mga arogante, pero inutil kung magsuri, at dadaanin ka sa trash talk at personal attack.

Bilang halos pangwakas, ikacopypaste ko nalang yung dalawang notes ko sa FB:



Ano ba ang "ethical at moral?"

Nakakamangha. May mga moralistang nagsasalita laban sa ginawa ng mga UP at PUP students. Pero karamihan sa kanila, at least sa limitadong naaabot ng pagLurk ko sa FB, wala namang pagkundena sa "imoral" na policies ng UP admin, sa Ampatuan Massacre, sa Morong 43, sa PUP 5, * at sa di mabilang na kaso ng human rights violation, enforced disappearances, political killings (at iba pang legal hocus pocus, pero in essence ay krimen) na naganap sa rehimen ni Gloria.
Mas mabigat pa sa kanila ang pagwasak ng ego, gamit ang paintball, kaysa pagwasak ng buhay--gamit ang bala, at pagwasak ng kinabukasan, representasyon at iba pang karapatan--gamit ang trumped-up charges at iba pang ideological state apparatuses.

*idagdag pa natin. ST 27, ST 72, Tagaytay 5, UPLB 8, UPLB 16. Feel free na magdagdag kung may nakaligtaan pa ako.



Courtesy ba kamo?



Simpleng hamon sa mga kumundena sa "discourtesy" o whatsoever ng mga tibak.
Hamon sa porma ng tanong na sana sagutin ninyo nang maayos.

Kinundena nyo rin ba ang mga polisya ng P/UP admin na nambabastos sa stakeholders ng unibersidad?

Anong ginawa nyo to address the issues?

Kung mayroon, anong narating? Kung wala, ano pang ginawa nyo?

Kung may ginawa pa kayo at may may narating, natitiyak nyo bang hindi ito band-aid solution lang?

Kung may ibang paraan, ano?

Kung maingay kayo, bakit?

Ilan kayong mga "intelektwal" na nag-iingay? Intelektwal nga ba ang diskusyon niyo? Suportado ng research at data? Sure? Walang personal attacks? Nag-maturity check ba?

Ilang nasa batayang sektor ang narinig ninyong nagreklamo?

Nakikipagdebate ba kayo ng maayos?

Nagbabasa ba kayo ng diyaryo? articles? statements? O baka puro acad readings?

Nandun ba kayo sa rally mismo?

Kung wala, nagtanong ba kayo sa mga nasa rally?

Kung nandun, kinausap ba ninyo ang mga nagrarally at nakinig ba sa mga tagapagsalita?

Alam nyo ba talaga ang isyu? Weh? Di nga?

Kung hindi, pwede bang manahimik kayo at magbasa muna nang hindi mapahiya pag nagkomento?

Yung mga nabasa ba eh isinapraktika ?

Nung isipin o sabihin nyong wala namang magagawa ang ganito at ganyan, nasubukan nyo na bang gawin ang ganito at ganyan?

May utak ba kayo? Kahit puso na lang? Okay lang sa inyong mahal ang matrikula?

Kung may utak kayo, wala bang sira? Kung may puso, hindi ba manhid?

Courtesy ba kamo?

Mag-isip ulit, kung may isip. Makiramdam kung may konsensya.



”"

Saturday, January 2, 2010

Repleksyon sa Petsang Palindrome (pasintabi sa anak ni FR Taguiwalo)

01022010


Napressure na akong gumawa ng blog entry na pang-bagong taon, dahil sa nakakaaliw na petsang palindrome, salamat (sa anak ni) FR. Napressure, bagamat ilang pulgada na lang, at nasa kalahati pa lamang ako ng tinatapos na nobela. Ang tanging academic responsibility na hindi ko matapos-tapos dahil sa internal at eksternal na mga pang-aabala.


Mapangwasak ng buhay ang taong 2009. Hindi ko malilimutan ang taon ng aking debut at ang pinaka-dabest na regalong natanggap ko, mula sa kaibigan ninyong bespren na SAY-ACT ang palayaw. Eleksyon noon. Walong estudyante ang pinangalanang komunista / terorista ng grupong gumagamit ng bangkay na taktika. Oldskul military tactic, ika nga namin sa mga room-to-room discussion. Natakot saglit. Natakot na natawa na hindi makapaniwala, dahil naihanay sa mga kilalang tibak, bagamat behind the scenes ang trip at nakasanayan kong pagkilos. Ang isang tulad kong ni hindi marunong magsalita nang diretso kapag nasa harap ng maraming tao, lalo na't tangan ang sandatang megaphone. Ang hindi ko malilimutang punto ng SAY-ACT na pinaparatang sa amin: "They act like normal students and denu their evil affiliations." Napakapanalo. Short fiction ang dating.


Ang reklamo ng ilang mga estudyante laban sa USC 07-08 at 08-09 na nagluwal ng desisyon ng Student Disciplinary Tribunal na suspindihin kami, nitong taon rin lang naganap. May ilan pang nangyari. Ang pagkaudlot ng graduation ko ng first sem, dahil nakialam si Chancy sa EIC selection process at ang inyong lingkod ang inappoint. At inupakan pa rin ng represyon sa pamamagitan ng hindi pagkolekta ng student fund ng UPLB Perspective. Binanatan din naman namin pabalik ang admin. Nakapaglabas ng tatlong special issue dahil sa suporta ng masang estudyante. At isang regular sized issue, sa dagdag na suporta ng mga alumni. Ang ganti nila? Ayun na. Suspension. Nawa'y umubra ang apila. Huwag kalimutan ang tatlondaang estudyanteng nanawagan ng pagpapatalsik kay Lt. Colonel Vivian Gonzales.


Mapangwasak, in the literal sense din ang 2009. Nagmarka si Ondoy, hindi lang sa kolektibong gunita ng bayan. Maging sa konkretong ari-arian ng mamamayan. Mga ganitong pagkakataon ang ginagamit ng mga reaksyunaryo para magpakalat ng malisya at panlilinlang na hindi naman gumana, dahil sa di-matawarang kamangmangan ng SAY-ACT, sa porma at nilalaman. Hindi na ako magpapalawig sa Ampatuan Massacre at ang inutil na reaksyon dito ng pamahalaan: Martial Law. At magpapatuloy ang literal na pangwawasak, bukod sa paninirang puri, kung mapapadalas ang pagtambay ng mga militar na naka-uniporme sa kampus.


Ililista ko na lamang ang mga naaalala kong naganap noong nakaraan, bagamat sadyang mapurol ang memorya ko:

0. Naging bandwagoner ako, sa pamamagitan ng paggawa ng Facebook account.

1. Una ko atang Lakbayan. At CEGP national convention.

2. Ilang waiting shed payong ang nawalay sa akin, nang hindi ko naman kasalanan. Nawalan rin ako ng maraming gamit tulad ng godlike cloak, haggard tickler, pera, at marami pang sana hindi ko maalalang naiwala ko. (Lately, graduation. With.. alam mo na. Wag na. Sikret.)

3. Umepal ako sa tatlong art exhibit: Opus Elbi ng UP Painters' Club, Fact Sheet ng UPLB Zoomout Multimedia Collective, Talentados ng UP Photographers' Society.

4. Naging arthrob, na pauso ng isang subject ng Comm Arts(yii. Salamat.), at nakapagshadowplay muli. (Tama ba? 2009 ang Arthrob, diba?) Gumawa ng backdrop, kasama ng KarMa Kolektib.

5. Nagdirek ng Martin Fierro at nagwagi ng 2nd place sa Epic battles ng Spanish I. May shadowplay din dito. At kami ang pinaka walang nagastos, kung ibabatay sa props at spectacle(Nadine, ang shirt natin? haha)

6. Nagdisenyo din ng mga bagay na pangSakbayan. At natuto ng maraming bagay, sa proseso.

7. Napasaakin si Gehenna (ang laptop na puyat lagi).

8. Nakapaglabas muli, bagamat hindi pa rin regular, ng mga komiks ang KarMa Kolektib.

9. Umattend ng Philippine PEN Annual Conference at nakita sina F. Sionil Jose and Company. Nagpa-autograph na rin kay Bien Lumbera.

10. Nagbasa ng kung anu-ano. Nakinig ng kung anu-ano. Nagdownload ng kung anu-ano. Nanuod ng kung anu-ano. Medyo natuto. Nakilala ka. Ikaw nga. (Yak, biglang drama)

Nanaginip ng kung anu-ano. Nakalimot ng kung anu-ano. Nanaginip ng kung anu-ano. Binangungot ng kung anu-ano. Nanahimik. Nag-ingay. Nagmuni-muni kung mananahimik o patuloy mag-iingay. At mag-iingay.
<

Saturday, October 31, 2009

Re-spell. Re-animate. Re-define. / Kwadernostalgia.

10.31.-11.01.2009. Samhain. Or most of us would probably prefer 'all saints' day,' 'halloween,' 'all hallow's eve,' or whatever you want to call the midnight that connects october thirty-one and november one. A day when the lives of the dead are remembered and celebrated would be a sweet day to conceive and give birth to a new online journal. Now close your eyes. Feel the breeze left by Santi, the demon who disguised itself as a wicked storm just to bless this day in a subtle, seemingly-undiabolical manner. Hear the silence of creeping death. Smell the stench of despair and frustration seething and possessing the fresh air. Keep your eyes closed. And you experience eigengrau.

Yes. There seems to be a problem with the spelling. I replaced the second e with a. Besides the username 'eigengrau' being already taken (and I prefer to not use numbers in usernames or site names), I wanted the word to capture all the vowel sounds. I also wanted the word to have an internal rhtyhm that seemingly rhymes with 'pagan.' Or maybe I just want to justify my re-spelling of the word to EIGANGRAU.

Anyway, another day to reanimate the death. When I hear or perceive the word death, one particular death never fails to come to mind. Let us call it the death, and the person, the Shade. The death changed my life. Kwaderno is the Tagalog term for notebook. Nostalgia is something you could google, if it is your first time to encounter the term (kasi, nagtuition increase. baka ganoon kababa kalidad ng edukasyon.). Or find what you call 'context clues' in the text. I searched my drawer for a folio that contains a poem that someone wrote for me. I failed to find it. Instead, I unearthed an old notebook. Closed and abandoned at the time when the gates of the University of the Philippines Los Banos has just opened for me. The notebook preserved silly poems, tolerable stories and amateur sketches. It also kept memories. Of the Shade.

I realized that way back in high school, I was relatively a normal kid compared to my self now. I am somewhere between popstar, popculture kids and the artsy, dark, weird ones, according to my subjective categorization. I love people like normal people, I express how I feel like normal people do--at least in the written form. I reminisced how the Shade and I met. How we came to be what we are and how we have what we did. Inserted between the sleeve and the transparent identification card holder is my name--made by the Shade out of overlapping construction paper. I flipped the pages and found lame poems with the Shade's comments at the side. I flipped the pages of notes, drawings, video game notes, undecipherable words, more lame journal entries and noted numbers and textmessages, until I had no pages left to flip. Tucked at the backdoor sleeve of the brown-somewhat-leathery notebook is a letter. The letter the Shade gave me after we reveal the cadavers we kept deep in the secret compartments of our closets. And now, the Shade is a systema skeletale kept six feet deep, beneath the earthen partitions. Up until now, the Shade remains a skeleton in my closet, at least for most people.

The Shade never paid me a visit. I hope it would, so we could tell each other stories and adventures that occured in the past six years. And the bass heavy vocals of Type O Negative's Peter Steele rants and echoes in my head: "Loving you is like loving the dead..."

Which seems to be the case at this moment, at this dead expressionless night. I have to rethink and redefine things I fail to understand. Tonight, just like all the nights with the same date, I summon the Shade for counsel and wisdom, and welcome you to Eigangrau.