01022010
Napressure na akong gumawa ng blog entry na pang-bagong taon, dahil sa nakakaaliw na petsang palindrome, salamat (sa anak ni) FR. Napressure, bagamat ilang pulgada na lang, at nasa kalahati pa lamang ako ng tinatapos na nobela. Ang tanging academic responsibility na hindi ko matapos-tapos dahil sa internal at eksternal na mga pang-aabala.
Mapangwasak ng buhay ang taong 2009. Hindi ko malilimutan ang taon ng aking debut at ang pinaka-dabest na regalong natanggap ko, mula sa kaibigan ninyong bespren na SAY-ACT ang palayaw. Eleksyon noon. Walong estudyante ang pinangalanang komunista / terorista ng grupong gumagamit ng bangkay na taktika. Oldskul military tactic, ika nga namin sa mga room-to-room discussion. Natakot saglit. Natakot na natawa na hindi makapaniwala, dahil naihanay sa mga kilalang tibak, bagamat behind the scenes ang trip at nakasanayan kong pagkilos. Ang isang tulad kong ni hindi marunong magsalita nang diretso kapag nasa harap ng maraming tao, lalo na't tangan ang sandatang megaphone. Ang hindi ko malilimutang punto ng SAY-ACT na pinaparatang sa amin: "They act like normal students and denu their evil affiliations." Napakapanalo. Short fiction ang dating.
Ang reklamo ng ilang mga estudyante laban sa USC 07-08 at 08-09 na nagluwal ng desisyon ng Student Disciplinary Tribunal na suspindihin kami, nitong taon rin lang naganap. May ilan pang nangyari. Ang pagkaudlot ng graduation ko ng first sem, dahil nakialam si Chancy sa EIC selection process at ang inyong lingkod ang inappoint. At inupakan pa rin ng represyon sa pamamagitan ng hindi pagkolekta ng student fund ng UPLB Perspective. Binanatan din naman namin pabalik ang admin. Nakapaglabas ng tatlong special issue dahil sa suporta ng masang estudyante. At isang regular sized issue, sa dagdag na suporta ng mga alumni. Ang ganti nila? Ayun na. Suspension. Nawa'y umubra ang apila. Huwag kalimutan ang tatlondaang estudyanteng nanawagan ng pagpapatalsik kay Lt. Colonel Vivian Gonzales.
Mapangwasak, in the literal sense din ang 2009. Nagmarka si Ondoy, hindi lang sa kolektibong gunita ng bayan. Maging sa konkretong ari-arian ng mamamayan. Mga ganitong pagkakataon ang ginagamit ng mga reaksyunaryo para magpakalat ng malisya at panlilinlang na hindi naman gumana, dahil sa di-matawarang kamangmangan ng SAY-ACT, sa porma at nilalaman. Hindi na ako magpapalawig sa Ampatuan Massacre at ang inutil na reaksyon dito ng pamahalaan: Martial Law. At magpapatuloy ang literal na pangwawasak, bukod sa paninirang puri, kung mapapadalas ang pagtambay ng mga militar na naka-uniporme sa kampus.
Ililista ko na lamang ang mga naaalala kong naganap noong nakaraan, bagamat sadyang mapurol ang memorya ko:
0. Naging bandwagoner ako, sa pamamagitan ng paggawa ng Facebook account.
1. Una ko atang Lakbayan. At CEGP national convention.
2. Ilang waiting shed payong ang nawalay sa akin, nang hindi ko naman kasalanan. Nawalan rin ako ng maraming gamit tulad ng godlike cloak, haggard tickler, pera, at marami pang sana hindi ko maalalang naiwala ko. (Lately, graduation. With.. alam mo na. Wag na. Sikret.)
3. Umepal ako sa tatlong art exhibit: Opus Elbi ng UP Painters' Club, Fact Sheet ng UPLB Zoomout Multimedia Collective, Talentados ng UP Photographers' Society.
4. Naging arthrob, na pauso ng isang subject ng Comm Arts(yii. Salamat.), at nakapagshadowplay muli. (Tama ba? 2009 ang Arthrob, diba?) Gumawa ng backdrop, kasama ng KarMa Kolektib.
5. Nagdirek ng Martin Fierro at nagwagi ng 2nd place sa Epic battles ng Spanish I. May shadowplay din dito. At kami ang pinaka walang nagastos, kung ibabatay sa props at spectacle(Nadine, ang shirt natin? haha)
6. Nagdisenyo din ng mga bagay na pangSakbayan. At natuto ng maraming bagay, sa proseso.
7. Napasaakin si Gehenna (ang laptop na puyat lagi).
8. Nakapaglabas muli, bagamat hindi pa rin regular, ng mga komiks ang KarMa Kolektib.
9. Umattend ng Philippine PEN Annual Conference at nakita sina F. Sionil Jose and Company. Nagpa-autograph na rin kay Bien Lumbera.
10. Nagbasa ng kung anu-ano. Nakinig ng kung anu-ano. Nagdownload ng kung anu-ano. Nanuod ng kung anu-ano. Medyo natuto. Nakilala ka. Ikaw nga. (Yak, biglang drama)
Nanaginip ng kung anu-ano. Nakalimot ng kung anu-ano. Nanaginip ng kung anu-ano. Binangungot ng kung anu-ano. Nanahimik. Nag-ingay. Nagmuni-muni kung mananahimik o patuloy mag-iingay. At mag-iingay.