darkhived tabs

Monday, March 29, 2010

Civility Cloak?

Ito ang suot ng mga ethics police at prim-and-proper citizens at jejemonic empire at moral administration parrots na nagsasabing "How rude naman, the activists!" dahil sa pambabato ng paintball, pangwawasak ng gate ng CHEd at pangaarson ng sirang chairs ng pamantasan nilang magtataas ng 2000% sa matrikula. Civility cloak ang saplot na pinantatakip ng mga nagaastang moralista sa krisis sa edukasyon.

Kung uugatin mo ang background ng prim and proper pips (PPP) na ito, kundi anak ng administrador, rich kids--or umaasang magiging rich kids balang araw sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa sistemang panlipunang pwedeng mambastos ang gagong naghaharing uri, pero bastos ang simbolikong pagsaboy ng pintura ng mga nakikibakang tinangka na ang lahat ng mapayapang protesta. Pagsasaboy ng pintura na hindi naman nakapaslang o nakabawi ng buhay, pero nakabasag sa angas ng isang administrador na minsan nang tumawag sa isang student leader at sinabihan itong: "Nakakalalake ka na a."

Kundi rich kids ang mga PPP, maari namang estudyante lamang na hindi pa gaanong nagsusuri, pero nagpadala sa inisyal na reaksyon, dala ng bugso ng damdamin dahil sa panloloko ng mainstream mediang mangmang magbalita. Oo, mga kaibigan, marami ring ganito. Ang mungkahi ko lang, maging diplomatiko tayo sa kanila, at matukoy natin kung sino sila. Natatakot rin kasi silang magsalita, pero highly encouraged naman sa kanilang magresearch o magtanong sa mga nakakaalam--yung nakakaalam na hindi nagaastang nakakaalam ha, at puro akademikong marka ang batayan ng katalinuhan. Yung nakakaalam na involved sa kilusang estudyante, at hindi yung walang kareklareklamo sa admin, pero nagrereklamo sa decorum ng mga nagrereklamo sa admin. Digs? Ang banatan lang natin, yung mga arogante, pero inutil kung magsuri, at dadaanin ka sa trash talk at personal attack.

Bilang halos pangwakas, ikacopypaste ko nalang yung dalawang notes ko sa FB:



Ano ba ang "ethical at moral?"

Nakakamangha. May mga moralistang nagsasalita laban sa ginawa ng mga UP at PUP students. Pero karamihan sa kanila, at least sa limitadong naaabot ng pagLurk ko sa FB, wala namang pagkundena sa "imoral" na policies ng UP admin, sa Ampatuan Massacre, sa Morong 43, sa PUP 5, * at sa di mabilang na kaso ng human rights violation, enforced disappearances, political killings (at iba pang legal hocus pocus, pero in essence ay krimen) na naganap sa rehimen ni Gloria.
Mas mabigat pa sa kanila ang pagwasak ng ego, gamit ang paintball, kaysa pagwasak ng buhay--gamit ang bala, at pagwasak ng kinabukasan, representasyon at iba pang karapatan--gamit ang trumped-up charges at iba pang ideological state apparatuses.

*idagdag pa natin. ST 27, ST 72, Tagaytay 5, UPLB 8, UPLB 16. Feel free na magdagdag kung may nakaligtaan pa ako.



Courtesy ba kamo?



Simpleng hamon sa mga kumundena sa "discourtesy" o whatsoever ng mga tibak.
Hamon sa porma ng tanong na sana sagutin ninyo nang maayos.

Kinundena nyo rin ba ang mga polisya ng P/UP admin na nambabastos sa stakeholders ng unibersidad?

Anong ginawa nyo to address the issues?

Kung mayroon, anong narating? Kung wala, ano pang ginawa nyo?

Kung may ginawa pa kayo at may may narating, natitiyak nyo bang hindi ito band-aid solution lang?

Kung may ibang paraan, ano?

Kung maingay kayo, bakit?

Ilan kayong mga "intelektwal" na nag-iingay? Intelektwal nga ba ang diskusyon niyo? Suportado ng research at data? Sure? Walang personal attacks? Nag-maturity check ba?

Ilang nasa batayang sektor ang narinig ninyong nagreklamo?

Nakikipagdebate ba kayo ng maayos?

Nagbabasa ba kayo ng diyaryo? articles? statements? O baka puro acad readings?

Nandun ba kayo sa rally mismo?

Kung wala, nagtanong ba kayo sa mga nasa rally?

Kung nandun, kinausap ba ninyo ang mga nagrarally at nakinig ba sa mga tagapagsalita?

Alam nyo ba talaga ang isyu? Weh? Di nga?

Kung hindi, pwede bang manahimik kayo at magbasa muna nang hindi mapahiya pag nagkomento?

Yung mga nabasa ba eh isinapraktika ?

Nung isipin o sabihin nyong wala namang magagawa ang ganito at ganyan, nasubukan nyo na bang gawin ang ganito at ganyan?

May utak ba kayo? Kahit puso na lang? Okay lang sa inyong mahal ang matrikula?

Kung may utak kayo, wala bang sira? Kung may puso, hindi ba manhid?

Courtesy ba kamo?

Mag-isip ulit, kung may isip. Makiramdam kung may konsensya.



”"