ang...dami ha. 10? um... sige, game, bahala na. at bahala na rin kung considered weird ang mga to, dahil tingin ko, typical naman sa college students ang karamihan sa mga mababanggit:
10.) hindi ako nanunuod ng TV. kaya nga hindi ko kilala si enchong dee. kaya tinawag akong enchong dee ng mga iyas fellows. anlabo. hanggang ngayon, hindi ko pa rin magagap ang mga pangyayari.
9.) pirata ako sa cyberspace. naghohoard ng .cbr, .cbz, .pdf, .txt, .doc, .mp3, .mp4, .avi, .whatsoever at marami pang iba. books, comic books, coffee table books, movies, music, at iba pang media sh*t.
8.) hindi ako magastos. local titles lang ang ginagastusan ko kasi hindi sila napipirata. kung ganoong kabangis ang libro, kinokonsider kong bumili kahit pa may softcopy ako bilang pampaangas ng bookshelf.
7.) sa edad kong ito, maka-comics at maka-cartoons pa rin ako.
6.) sa christian school ako naghasykul, at ang mga utol ko, sa art at science schools. pero mas demonyo pa ata ako sa kanila.
5.) bagamat aktibista, mahilig sa iba't ibang genre ng musika (kasama pero hindi limitado sa metal), at mahaba ang buhok at pa-bohemian na poser, hindi ako nagyoyosi, hindi rin umiinom ng alak.
4.) nomad ako sa uplb since january.
3.) tingin ko, hindi ganoong ka-normal ang pananamit ko.
2.) lagi akong may dalang dambuhalang backpack.
1.) extended ako sa maraming bagay. sa kolehiyo (dahil makailang ulit nagshift). sa pag-aaral (nasuspinde pa nga). sa termino sa usc (konseho ng mga estudyante) at [p] (publikasyon ng mga estudyante). pero... wag na. haha. wag tayong magyabang >:]
Sunday, June 27, 2010
What are the 10 weirdest facts about you?
Saturday, June 19, 2010
Factsheet 43 Program | June24 | Kamuning, QC
andito ang entry ko. andito ang mga salitang nasa entry ko.
Baclaran Church noon. Kamuning QC ngayon. UPLB sa susunod. abangan.
Labels:
arts,
cassette tape,
culture,
exhibit,
factsheet 43,
installation art,
karma kolektib,
morong 43,
plug,
police,
politics,
ramones,
the police,
the ramones
Tuesday, June 15, 2010
Factsheet 43 Exhibit
Labels:
arts,
cassette tape,
culture,
exhibit,
factsheet 43,
installation art,
karma kolektib,
morong 43,
plug,
police,
politics,
ramones,
the police,
the ramones
Monday, June 14, 2010
basura
gusto ko itapon ang mga ginawa ko sa langit.
at kung sakop ng law of gravity ang so-called
divine places na ito, gusto kong hilahin ang
mga likha ko pababa para matupok sa impyerno
at kung sakop ng law of gravity ang so-called
divine places na ito, gusto kong hilahin ang
mga likha ko pababa para matupok sa impyerno
Saturday, June 5, 2010
TNL (Tunay na Lalake) ang USC UPLB 2010-11
Pasensya na at kailangan kong tungtungan ang lenggwahe ng isang er... hindi gaanong progresibong site. ( Andito ang ikalawang artik ni Prof. Dani Arao sa nasabing site. Andito ang unang artik ng pagbatikos. )
Ito ang isang palitan ng text message sa pagitan ko at ng isang alleged USC entity. Batay ang salaysay sa pagkakaalala ko, lalo na iyang unang pinadala kong message kasi nabura ko na pala sa aking inbox at sent items. Basta ganito ang kontektso: May campus tour sa June 7. Nagpatawag ng briefing ang USC noong June 1, kung saan magcoconfirm ng slot at magpapaliwanag sila ng kung anong magaganap sa June 7. Tapos pina-move nila noong June 1 mismo, at ginawa na nilang June 4. (Suggestion, sana nagdalawang briefing na lang kayo, para hindi nasayang yung punta ng mga pumunta sa elbi noong June 1 makaattend lang ng briefing.) Hindi ako nakaattend ng briefing dahil may inaasikaso akong probably e [P]-related o SDT-related (thanks sa mga nagkaso, ha).
Ako:
Hi. Kaninong number po pala ito? May nilakad ako sa college kaya hindi nakadaan kaninang 1pm. Pwede ko pa bang i-confirm ang slot ko...ngaun?
USC:
aya mula (USC)
Ako:
K
Dahil ang tunay na lalake, malabong kausap.
Labels:
2010,
2011,
campus tour,
freshman,
usc
Subscribe to:
Posts (Atom)