darkhived tabs

Tuesday, May 11, 2010

Copypasted Note ng Post-elections Rant ko sa FB

Mahirap hindi magrant re: Election. Paisa lang, please.

Sisimulan ko sa status message kong tanong at komentaryo at greetings of peace and solidarity sa matatalinong botanteng galit sa "bobotante" (Salamat nga pala sa mga nag-repost nito mula sa wall ko, at kahit naabala ang thesis revision ko, atleast, alam kong kumalat ang mensahe): Hi, middle class, intelligentsia, petibourgeoisie. Bakit mo nga pala sinisisi ang so-called "stupid majority" na nagdulot ng election results? Kung antalino mo pala, bakit hindi mo ineducate ang bobong mahihirap na ito? May nagsasabi pang dapat taxpayers na lang ang bumoboto. Hay, middle class. Tanungin natin kung ano ang nagawa ng uri natin para sa bansang ito, bago isisi sa masa ang LAHAT. K? K. Bye.

Then, ito yung note: Common knowledge na ang possibility ng dayaan dahil nga automated na ang eleksyon care of P*tanginang Computer Otomated Sh*t machines. So, shut up na 'ko dun.

Ngayon, mukang kailangan nang gumawa ng Noynoy effigies. Basta mukhang may mental problem, okay na yown, digs na yown. I openly supported Liza Maza, Satur Ocampo, at Kabataan Partylist. Bumoto ako ng Presidente at Bise Presidente. Paano? Yung mga posibleng tumalo kay NoyMar ang binoto ko. Kailan ako nagpasya? Nung eleksyon mismo. Dahil mahirap at masakit sa ulo pumili ng madiskarteng boto.

Ang boto ko until May 9, 2010 eh kay Nick Perlas. Walang tiyak na bise, pero iniisip ko eh si Binay o si Yasay. Then, yun nga, yung posibleng bumasag sa muka ni NoyMar, yun na ang binoto ko. Kumbaga, parang John Constantine ang trip ko o sino mang anti-hero na maiisip mo--na sumasangguni sa mga diablo para daigin ang isa pang diablo. Kung tama iyon o mali para sa iyo, hindi ko masasabi. Subjective naman ang tama at mali, hindi ba?

Hindi ako bumoto ng lokal na mga kandidato. Kahit taga Paranyake ako, hindi ko naman alam ang pasikot-sikot ng pulitika dito. Maaring kakulangan ko ang hindi pag-alam sa plataporma ng mga kandidato, pero mas pinili kong huwag bumoto kung wala naman akong alam.

Pakipaalala ngayon kung ano ang lohika behind nito: voting to earn the right to complain. Hindi ko kasi gets. Bakit? Kasi, bagamat hindi ako bumoto sa Los Banos, mas napamahal na sa akin ang lugar na yun. Kung nagkaroon pa ng pagkakataon, nangampanya ako against Ton Genuino, isang mayoralty candidate sa LB. (Utol niya, tumakbo sa Makati. Anak sila ng PAGCOR. Kung may maling facts, pakitama.) Oo, megrereklamo ako laban sa kanya, kahit hindi ako doon bumoto. Wala ba akong karapatan?

Bakit ako magrereklamo? Tatlo sa mga lider-estudyante ng UPLB--na members ng KABATAAN Partylist--ang hinuli ng Makati pulis, madaling araw ng May 10, 2010. MAKATI pulis ha, nasa LAGUNA. Ambangis ano? Nagpuyat ako, para lang makasagap ng update, at in return eh magupdate online sa mga nagtatanong, maging sa mga hindi nagtatanong na taga-ELBI. Yun ang least na magagawa ko eh.

Bakit sila hinuli? Ganito. Nagrally sila dahil at least 30 buses--na may sakay na Makati residents, ang namataan sa Trace College na pagaari ni Genuino. (Though ang alam ko nga eh pagaari talaga ito ni Gloria Arroyo.) Alleged flying voters ang mga ito, unless baka nga naman pollwatchers ni Genuino ang mga ito, di ba? Ang judgmental lang natin, at ayaw pa nating maniwala eh nagpaliwanag na nga ang panig ni (game, campaign jingle on) gagong Los Banos, gagong mukha / may flying voters, hawak pa ang pulisya / ng Makati, ng Los Banos / siya si mayor ton ton ton ton ton ton. (campaign jingle off)

At, ayun nga. Marahas na hinuli sina Leo XL Fuentes, Mark Vincent Baracao, Paulo Bautista ng Kabataan Partylist at Miguel Portea ng Bayan Muna. Pinalaya sila alas sais ng umaga, dahil walang konkretong maikaso ang mala-Genuino private army. Pero kakasuhan ng KONTRA DAYA ang mga ito. Indiscriminate firing, destruction of property, physical injury, threat at harassment.

Hindi ko na siguro pakikialaman ang binoto mo. Tapos na yun, at pagpapasya mo yun. Ang mungkahi ko na lang, magtulungan tayong maging vigilant sa gagawin ng US-backed na gobyernong mistulang mailuluklok na (Alalahanin na inamin ng CIA ang pakikialam nila nang manalo ang Ramon Magsaysay presidency dati.). Magdemand ng lupa at hustisya para sa magsasaka ng Hacienda Luisita.

At sa pagkakatong nababanggit ang Hacienda Luisita, naalala ko ang Jonas Diego inc, with Neil Cervantes at Johnny Danganan. Mula sa UPLB ang mga ito at kilala sila sa komiks kommunity. Pero, nananatili ang pagtingin ko sa kanila bilang bayaran / prostitute / sell out/ mercenaries. Kumbaga nga, ABSCBN, in panels. Yellow journalism, McCarthyism at its finest. Sinong customer nila? Edi si Noynoy--the Jesus of Hacienda Luisita. Ang Satans? Aba, edi ang so-called "maka-kaliwa." Yun bang nagrerekrut sa CCP NPA. Ito ang very very reliable source. Very very well researched. As in. To the Nth level, dude! Grabe. Maganda ang drawing. Yun lang, maganda ang drawing, pero hindi naman kagandahan ng drawing lang ang komiks. Sabi nga ng isang panelist sa IYAS, sa pagkukwento, nagsusupend tayo ng disbelief. We don't suspend common sense. Isuspend niyo muna common sense niyo bago basahin ito:

http://www.noynoy.ph/v3/webcomics/luisita/luisita1.html

Watch "Sa Ngalan ng Tubo" on Youtube, to be enlightened. K? K.

Baka si Jonas Diego na ang sunod na National Artist ha. Naalala mo si Carlo J. Caparas? Ayun. You dig my point? You do. Haha. OK, GAME, REVISE, ATTACK. TAPUSIN ANG... COMA 200! ENOUGH OF THAT YELLOW BASTARD!

Sunday, May 2, 2010

Tubuhan

*Workshop Blues Poster of the 10th Iyas Creative Writing Workshop. Courtesy of Jordan Carnice (Yung Poster), and Paul Gumanao (Yung pag-coin ng term na "workshop blues". Para iwas plagiarism.)

Tapos na ang ika-sampung palihan ng IYAS para sa malikhaing pagsulat. Isang linggo ng palitan ng kuru-kuro ukol sa likha ng mga may akda sa dalawang kategorya sa limang wika, pagkilala sa mga kapwa manunulat / mga matatandang manunulat na mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, at pagpapaunlad ng kaalaman sa panitikan. Sabi ng press release sa panitikan.com.ph:

"The IYAS Creative Writing Workshop proudly announces its roster of Fellows for 2010.

The Fellows for Fiction in English are: Fred Jordan Carnice, Roselle Jimeno, Vernan Jagunap, Francis Dizon and Anne Carly Abad (English), and Arbeen Acuña (Filipino). (Si Chiva o Jes, yung fellow pa in Hiligaynon.)

The Fellows for Poetry are: Gian-Paolo Lao, Alyza Mary Taguilaso, Charmaine Carreon (English), Arbeen Acuña, Noel Fortun, Rogerick Fernandez (Filipino), Paul Randy Gumanao, Glenn Muñez (Cebuano), Elsed Togonon (Kinaray-a) and Simplicio Gadugdug (Boholano).

The panelists for this year are Dr. Dinah Roma-Sianturi, Dr. Elsie Coscolluela, Dr. Genevieve Asenjo, Dr. Danilo M. Reyes, Dr. Anthony Tan and Prof. John Iremil Teodoro.

The IYAS Creative Writing Workshop is sponsored by the University of St. La Salle and the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center of De La Salle University and the National Commission for Culture and the Arts.

The 10th IYAS Creative Writing Workshop is set on April 25- May 1, 2010."

Ang "iyas" nga pala ay "binhi." Kung nagkakamali ako, bukas ako sa puna, tulad ng pagiging bukas ng lahat ng fellows sa mga komento ng panelists--maging ng kapwa fellow. At dahil ako ang unang hiningan ng "synthesis" noong huling araw ng palihan, at parang ang sabog lang ng pinagsasabi ko, dito na lang sa blog entry na ito ako magtatangkang bumawi.

Una, kahit pa ang gasgas na, yung
madami pang dapat matutunan at subukan. Isa dito ang pagbabasa ng mga babasahing hindi lamang nagtatapos sa paglilibang. Oo, marapat lang basahin ng manunulat ang gusto niyang basahin. Pero, para sa akin, mas makabubuti kung may maitutulong ito sa paglilinang at pagpapayaman ng kaalaman sa pagsusulat ng isang akdang papasa sa panlasa ng masa at matatanggap ng mga "cultural managers" (terminong narinig ko noon kay Amang Jun Cruz Reyes sa Philippine PEN conference). Yung mga tipong Neruda o Lacaba. Yung tipong ililimbag nang paulit-ulit makalipas ang ilan pang taon matapos magpaalam sa pisikal na daigdig ang makata.

Pangalawa, isa pang gasgas, yung
pagtitiwala sa sarili--na iba sa pagiging arogante. Tiwala na rin sa tinatahak na landas habang pinagbubuti ang pagluluwal ng makabuluhang akda. Siguro, ang unang dalawa ang buod ng natutunan ko sa group session.

Ikatlong gasgas na natutunan, yung
disiplina sa wika at pagpili ng idadaldal at hindi. Bagamat madalas na tahimik sa totoong buhay, napagtanto kong madaldal nga ako sa pagsusulat. Tipong pwede ko namang paiksiin, pinaliligoy pa. At tipong pwede ko namang tuldukan na ang tula o kwento, pero magkokomento pa sa dulo para magpaliwanag.

Huli na sigurong leksyon ng palihan, yung
muling pagkumpirma ng kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Bagamat palaging walang katiyakan dahil buhay ang internal na kontradiksyon sa pang araw araw, alam kong gusto ko pa ring magsulat. Pagsusulat na para sa nakararami, bilang taga-dokumento ng pakikibaka para sa panlipunang pagbabago--at hindi bilang kristong magdudulot nito. Itinampok ng palihan ang iba't ibang paraan (form) at dahilan (content) ng pagsusulat, ngunit ang dati kong paraan at dahilan pa rin ang nais kong ipagpatuloy--nang may karagdagang pagwawari mula sa IYAS. Sa katunayan, nahahati ang nararamdaman ko, na parang nakakahibang, kahapon--Mayo Uno. Gustong gusto kong maging bahagi ng pagtitipon sa lansangan para sa araw ng mga manggagawa, pero nasa Bacolod ako at nagpapahinga habang napapapagod sa kakaisip kung ano nang nangyayari sa Timog Katagalugan at sa Maynila.

Bilang pagwawakas, bagamat maraming karagdagang kaalamang biyaya ang palihan ng iyas (o binhing handog, ika nga, ng panelists at fellows sa isa't isa), ubos-lakas ko pa ring patutubuin at payayabungin ang mga natutunan hanggang maabot ang pamantayang magsisilbi sa sambayanan, ngunit yayanig din sa mga haligi ng naghaharing sistema. Makikipag-gitgitan at makikipag-gasgasan pa rin ako, sa mga kadahilanang binanggit. Mananatiling handa at bukas sa pakikipagtubuhan, sa pamamagitan ng diskurso at panitikan, laban sa mga umaastang panginoon ng estado poder. Sa madaling salita, magsusulong pa rin ng mapagpalayang panitikang mangangahas pa ring makipagwasakan at makipagbasagan ng paninindigan at ideolohiya.