Mahirap hindi magrant re: Election. Paisa lang, please.
Sisimulan ko sa status message kong tanong at komentaryo at greetings of peace and solidarity sa matatalinong botanteng galit sa "bobotante" (Salamat nga pala sa mga nag-repost nito mula sa wall ko, at kahit naabala ang thesis revision ko, atleast, alam kong kumalat ang mensahe): Hi, middle class, intelligentsia, petibourgeoisie. Bakit mo nga pala sinisisi ang so-called "stupid majority" na nagdulot ng election results? Kung antalino mo pala, bakit hindi mo ineducate ang bobong mahihirap na ito? May nagsasabi pang dapat taxpayers na lang ang bumoboto. Hay, middle class. Tanungin natin kung ano ang nagawa ng uri natin para sa bansang ito, bago isisi sa masa ang LAHAT. K? K. Bye.
Then, ito yung note: Common knowledge na ang possibility ng dayaan dahil nga automated na ang eleksyon care of P*tanginang Computer Otomated Sh*t machines. So, shut up na 'ko dun.
Ngayon, mukang kailangan nang gumawa ng Noynoy effigies. Basta mukhang may mental problem, okay na yown, digs na yown. I openly supported Liza Maza, Satur Ocampo, at Kabataan Partylist. Bumoto ako ng Presidente at Bise Presidente. Paano? Yung mga posibleng tumalo kay NoyMar ang binoto ko. Kailan ako nagpasya? Nung eleksyon mismo. Dahil mahirap at masakit sa ulo pumili ng madiskarteng boto.
Ang boto ko until May 9, 2010 eh kay Nick Perlas. Walang tiyak na bise, pero iniisip ko eh si Binay o si Yasay. Then, yun nga, yung posibleng bumasag sa muka ni NoyMar, yun na ang binoto ko. Kumbaga, parang John Constantine ang trip ko o sino mang anti-hero na maiisip mo--na sumasangguni sa mga diablo para daigin ang isa pang diablo. Kung tama iyon o mali para sa iyo, hindi ko masasabi. Subjective naman ang tama at mali, hindi ba?
Hindi ako bumoto ng lokal na mga kandidato. Kahit taga Paranyake ako, hindi ko naman alam ang pasikot-sikot ng pulitika dito. Maaring kakulangan ko ang hindi pag-alam sa plataporma ng mga kandidato, pero mas pinili kong huwag bumoto kung wala naman akong alam.
Pakipaalala ngayon kung ano ang lohika behind nito: voting to earn the right to complain. Hindi ko kasi gets. Bakit? Kasi, bagamat hindi ako bumoto sa Los Banos, mas napamahal na sa akin ang lugar na yun. Kung nagkaroon pa ng pagkakataon, nangampanya ako against Ton Genuino, isang mayoralty candidate sa LB. (Utol niya, tumakbo sa Makati. Anak sila ng PAGCOR. Kung may maling facts, pakitama.) Oo, megrereklamo ako laban sa kanya, kahit hindi ako doon bumoto. Wala ba akong karapatan?
Bakit ako magrereklamo? Tatlo sa mga lider-estudyante ng UPLB--na members ng KABATAAN Partylist--ang hinuli ng Makati pulis, madaling araw ng May 10, 2010. MAKATI pulis ha, nasa LAGUNA. Ambangis ano? Nagpuyat ako, para lang makasagap ng update, at in return eh magupdate online sa mga nagtatanong, maging sa mga hindi nagtatanong na taga-ELBI. Yun ang least na magagawa ko eh.
Bakit sila hinuli? Ganito. Nagrally sila dahil at least 30 buses--na may sakay na Makati residents, ang namataan sa Trace College na pagaari ni Genuino. (Though ang alam ko nga eh pagaari talaga ito ni Gloria Arroyo.) Alleged flying voters ang mga ito, unless baka nga naman pollwatchers ni Genuino ang mga ito, di ba? Ang judgmental lang natin, at ayaw pa nating maniwala eh nagpaliwanag na nga ang panig ni (game, campaign jingle on) gagong Los Banos, gagong mukha / may flying voters, hawak pa ang pulisya / ng Makati, ng Los Banos / siya si mayor ton ton ton ton ton ton. (campaign jingle off)
At, ayun nga. Marahas na hinuli sina Leo XL Fuentes, Mark Vincent Baracao, Paulo Bautista ng Kabataan Partylist at Miguel Portea ng Bayan Muna. Pinalaya sila alas sais ng umaga, dahil walang konkretong maikaso ang mala-Genuino private army. Pero kakasuhan ng KONTRA DAYA ang mga ito. Indiscriminate firing, destruction of property, physical injury, threat at harassment.
Hindi ko na siguro pakikialaman ang binoto mo. Tapos na yun, at pagpapasya mo yun. Ang mungkahi ko na lang, magtulungan tayong maging vigilant sa gagawin ng US-backed na gobyernong mistulang mailuluklok na (Alalahanin na inamin ng CIA ang pakikialam nila nang manalo ang Ramon Magsaysay presidency dati.). Magdemand ng lupa at hustisya para sa magsasaka ng Hacienda Luisita.
At sa pagkakatong nababanggit ang Hacienda Luisita, naalala ko ang Jonas Diego inc, with Neil Cervantes at Johnny Danganan. Mula sa UPLB ang mga ito at kilala sila sa komiks kommunity. Pero, nananatili ang pagtingin ko sa kanila bilang bayaran / prostitute / sell out/ mercenaries. Kumbaga nga, ABSCBN, in panels. Yellow journalism, McCarthyism at its finest. Sinong customer nila? Edi si Noynoy--the Jesus of Hacienda Luisita. Ang Satans? Aba, edi ang so-called "maka-kaliwa." Yun bang nagrerekrut sa CCP NPA. Ito ang very very reliable source. Very very well researched. As in. To the Nth level, dude! Grabe. Maganda ang drawing. Yun lang, maganda ang drawing, pero hindi naman kagandahan ng drawing lang ang komiks. Sabi nga ng isang panelist sa IYAS, sa pagkukwento, nagsusupend tayo ng disbelief. We don't suspend common sense. Isuspend niyo muna common sense niyo bago basahin ito:
http://www.noynoy.ph/v3/webcomics/luisita/luisita1.html
Watch "Sa Ngalan ng Tubo" on Youtube, to be enlightened. K? K.
Baka si Jonas Diego na ang sunod na National Artist ha. Naalala mo si Carlo J. Caparas? Ayun. You dig my point? You do. Haha. OK, GAME, REVISE, ATTACK. TAPUSIN ANG... COMA 200! ENOUGH OF THAT YELLOW BASTARD!
No comments:
Post a Comment