darkhived tabs

Tuesday, October 5, 2010

World Teachers' Day

Hindi ko maaalala lahat, pero hindi ko naman malilimutan ang mga turo lalo pag gagamitin na sa tunay na buhay. Bale, malilimutan ko pala kasi hindi nagagamit sa tunay na buhay ang karamihan ng tinuro sa Pamantasan. Syempre joke lang, maams at sers. Pasasalamat sa tiyaga. Iuupdate ko na lang ang post na ito kapag naalala ko ang iba. Paunang pasintabi na sa malilimutan.
Kinder to Hayskul muna. Teacher Annie Zarate, Teacher Dolores Usa [?] na lang ang naalala kong mga teacher nung first half ng elem. Ms. Rey at Ms Almazen nung lumipat. Teacher Roda, Pastor Andy, Teacher Christine. Maam Malou, Maam Josie, Sir Art, Maam Eugel, Pastor Daniel [?] ang Titser naming natutulog sa klase hehehe. Maam Abello. Tsaka Maam Jo.
College naman. Maam Jo Crisostomo. Sir Bob Figueroa. Sir Dulds. Sir Jaime Samaniego. Maam Pleni [?], Maam Rizza, Maam Jen Aguila, Maam Marge Paterno, Alan Jay Natividad, Sir Arlegue, Maam Saniano, Maam Larcy Bello, Maam She Bano, Maam Eloisa Martinez, Maam Arejola, Sir Glenn Lubuguin, Maam Ong, Maam Janette Malata,
Kailangan kong ihiwalay ang mga sumusunod bilang mga mayor na impluwensya. Sir Dennis Aguinaldo, Sir Emmanuel Dumlao, Maam Beng Espinosa, Sir Paul Zafaralla, Maam Kei Tan


Kung ang hinahanap ay pahayag na may kinalaman sa education at sa kakulangan sa budget nito, nasa facebook ang statement ng mga makabayan nating guro. Andito ang press release ng ACT Teachers' Partylist, at ito naman ang statement ng CONTEND (Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy). Ang susunod ay personal nang pasasalamat sa mga naging propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos at syempre, sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan, minsan, sa lansangan.

Hm... Second thoughts, second thoughts. Huwag na pangalanan lahat. Magtatop-five na lang ako ng nasa academe, tas another top five na hindi "pormal" na guro, ano? In no particular order ha. Depende sa memorya.

1. Kapalitan ng kuro-kuro mula komiks, agham, panitikan hanggang ilang current events national o campus issues man, ang nag-encourage sa aking magpasa ng mga akda sa mga publikasyon at mag-apply sa mga writing workshop at dumalo ng mga kumperansya tungkol sa panitikan, ang kritiko ng creative output ko, si Sir Dennis Aguinaldo.

2. Isa sa mga facilitator ng unang dinaluhang poetry workshop sa labas ng Pamantasan kung saan tinalakay niya si Jose F. Lacaba, gurong may magaling na handling sa FIL20, naging seminarista kaya isa sa mga nagturo sa akin ng ibang teorya ng liberation theology, ang propetang thesis adviser kong si Sir Emmanuel Dumlao.

3. Guro sa Thea107 na isang memorable na bahagi ng buhay CommArts kung saan marami akong natutunan sa loob ng Produksyon tungkol sa teatro at sa pakikitungo sa ibang tao--sa iba't ibang uri ng mga tao na malamang sa malamang ay makakasalamuha at tingin ko eh nakakasalamuha ko na nga sa labas ng Pamantasan, si Sir Joey Vargas.

4. Ang art critic na gumawa para sa akin ng typewritten (as in written sa typewriter, yung may ribbon na itim, yung makinilya) recommendation letter para sa [P] Editor in Chief selection process, ang nagpareport sa akin tungkol sa sayaw tas kailangan daw may "example" (kaya buti pumayag ang Filipiniana magperform sa class), Sir Paul Zafaralla. Phinotocopy ko ang nasabing recom letter, Sir. Kaya may kopya ako. Ganun din ang ginawa ko sa recom letter ng

5. Kilabot na prof, lalo na ng mga sumusunod: hindi nagbabasa, lutang ang utak habang nasa klase, nagbasa pero hindi naintindihan ang readings, walang alam sa ibang bagay maliban sa acads, di mo maintindihan gusto palabasin sa ipinasang paper, etc., at masasabi kong isa ako sa pinakaswerteng mga taong napabilang sa mga naging estudyante ni Maam Beng Espinosa.



Mga hindi naman teacher by profession, pero nagshare pa rin ng leksyon:

1. Ermats. Siyempre. Life's first lessons. Well, kahit hanggang ngayon naman.

2. Mark. Bagamat mayabang, matiyaga, hindi lang sa pagtuturo kundi sa paghahanap ng oras para makapagturo. Mahusay magbigay ng mga halimbawa. Tulad ng madaming instruktor, hindi nagsasawang magpaliwanag, nasa gitna man ng diskusyon, o kahit bago magpahinga, bilang housemates kami.

3. PJ at Nikki. Sa kanila ko ata unang nalaman ang Social Realism.

4. Mickey. Nitong mga huling araw, sa kanya lang ako nakakapagpalitan ng mga ideya tungkol sa iba't ibang schools of thought. Wala rin sawang sumagot sa mga tanong kahit pa epal lang at nagmamaganda ang mga tanong, tulad ng mga sa kapwa philo niyang si Sandra.

5. Teta. Ang nagpakita sa akin kung paano pasayawin nang tama ang mga anino.



Muli, salamat. Sana magkaroon uli ng pagkakataong magkatalakayan tayo.



BONUS

Allan Jay Natividad - Artistahing (daw ) philo 1 prof na nangcultureshock sa akin noong ako ay musmos na freshman pa lamang. Bumalik ka nang elbi, ha Allan Jay. Napakasabog ng klase natin.

Jerrold Tubay - Una at huli kong singko noong college. Freshman ako noon. math17

Jonnah Valero - Sis. Gusto kong maka-uplb-ibarang-handshake ka ulit.





At IKAW. Buwan natin ito dapat, ano? Taon na rin sana at 10.10.10.
Taon, lampas kalahating dekada, na rin ang nakalipas. Sana andito ka.
Gusto kitang batiin at kamustahin at tanungin, para malinawan ako.
Apir. Salamat. Magkikita din tayo, balang araw. Hehe. :)

No comments:

Post a Comment