darkhived tabs

Thursday, August 19, 2010

Factsheet 43 Exhibit @ PGH | Aug23 | 830am



Fact Sheet 43 Exhibit @ Philippine General Hospital
August 23-31, 2010
Central Block Lobby, Ground Floor, PGH, Mla.

Magiging espesyal sana ang exhibit na ito sa PGH dahil inaasahan naming masisilayan pa ito ni Judilyn Oliveros, isa sa Morong 43 detainee na nanganak sa PGH noong July 22.

Subalit ang masaklap nito, tinanggihan ng Morong RTC ang motion for release on recognizance at ikinulong na muli si Judilyn sa Bicutan kasama ang kanyang bagong silang na sanggol!

Hindi man lamang pinakinggan ng korte ang kanyang petisyon na maalagaan at mapasuso ang kanyang sanggol sa loob ng 6 na buwan sa labas ng kulungan.

Ganito ba ang matuwid na daan?

Tunghayan nating muli ang pagtatangka ng mga artistang palayain ang 43 health workers. Palakasin pa natin ang panawagan para sa katarungan at pagpapalaya sa 43. Maging bahagi ng panawagang ito, dumalo sa Fact Sheet 43 Exhibit @ Philippine General Hospital.

Free the 43 Now!

Magkakaroon ng misa ng 7am bago ibukas ang exhibit ng 8:30 am.

Ang Fact Sheet Exhibit sa PGH ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng ALL UP Workers' Union, Free the 43 Alliance at Defend-ST. [repost mula sa
Artists' ARREST]

No comments:

Post a Comment