tulad ng "makabago" o contemporary genres ng anumang art form--panitikan o sining-biswal o anuman, dapat may paglingon pa rin ito sa "traditional" o "conventional" o "klasikal."
kaso, kung magpapartikular tayo sa activism, syempre may ibang factors na dapat iconsider.
kung gagamitin nating halimbawa ang "pakikibaka" ng USC--na marapat lang manindigan sa consti na tinatanganan nila--hindi ako gaanong sang-ayon sa mga activities.
from an outsider's point of view, hindi ko gets ang deeper meaning ng party against large class at hindi malinaw ang naging game plan nila o overall design para sa campaign against large class kung mayroon man. isa pa, re: sona, antagal tagal na nilang naglabas ng teaser, pero natapos ito sa teaser. bagamat napuri ito diumano ng ANC (media outfit na fan's club ni PeNoy), hindi pa rin ako nasapatan sa "makabagong paraan ng pakikibaka" na ipinakita nila, at least sa cyberspace.
bilang alumnus (naks), oks sa kin ang "pakikibaka" ng karma kolektib. masaya akong naitatag ang grupong iyon dahil lumalahok sila sa collective na pagkilos ng student movement, at gumagamit ng creative means ng pagregister ng dissent. parang blog entry na ang sagot ko ano. hehe. sorry naman.
No comments:
Post a Comment