darkhived tabs

Friday, August 6, 2010

FS: Selected Personal Q&A pt1

Sinungaling ako. Nagpost ako ng personal na mga tanong. Kasi, dapat aktib akong blogger. Dapat, makapagpanggap. K? (Dapat, may maisulat ako bukas dito. Tapusin ko lang tong mga pambubullshet kong mga pagpapanggap na writer. Baka tungkol sa ROTC ang post ko bukas. Pero wag umasa. Ayokong nagpapaasa. Joke. Haba ng segue. Kainis.)
-----
Kung tatakbo kang presidente ng Pilipinas,sino gusto möng mag-endorse sa'yo? tanong ni ashleyamydala

Si Alan Moore. Para anarkista. Para mapanindigan na ang pagiging anarkista. Wahaha. Or basta comics guy.

Lupa o buhangin? tanong ni anonymous

Lupa. Masyadong masaya ang buhangin at naaassociate sa naghahabulang DTNL sa beach. Ang lupa, tunay na lalake. Mas \m/etal. Malabong sagot sa malabong tanong na hindi ko alam ang patutunguhan.

ano ang favorite mong banda? tanong ni anonymous

Tool. Tsaka yung pa-avantgarde na metal shit. Tsaka mga progressive at psychedelic. Tsaka marami pang iba. Andaming sinabi, fave band lang ang tanong.

No comments:

Post a Comment